Ang mga Katoliko ay Hindi Sumasamba sa mga Rebulto.
Maraming mga hindi Katoliko ang nagsasabi na ang mga Katoliko ay sumasamba sa mga rebulto. Itinuturo ng Simbahang Katoliko na hindi tayo maaaring sumamba sa sinuman o anumang bagay maliban sa Diyos. Ang mga rebulto ay gawa lang sa kahoy, marmol, at plaster. Sila ay walang mga buhay. Hindi nila tayo maririnig ni makikita, at wala silang mga kapangyarihan o kakayahan. Wala silang ginagawa dahil sila ay patay.
Bilang mga Katoliko, nauunawaan namin ito. Sa Simbahang Katolika, ang mga rebulto ay mga simbolo lamang. Sila ay mga artistikong representasyon ng ating mga kapatid sa pananampalataya na namatay at nauna sa atin sa langit. Tinutulungan din tayo ng mga rebulto na alalahanin ang mga banal na pamumuhay ng mga kalalakihan at kababaihang ito at kung paano sila sumunod kay Kristo sa isang pambihirang paraan.
Sa Katolisismo, ang mga rebulto ay parang pagkakaroon ng mga larawan ng iyong pamilya na dala-dala mo sa iyong pitaka o nakasabit sa iyong dingding sa bahay. Hindi mo sila sinasamba o kinakausap, ngunit naaalala nila ang pamilyang mahal mo. Ang Katolisismo ay isang pamilyang may maraming kapatid, sa langit man o sa lupa. Ang mga rebulto ay ang Bibliya para sa mga mahihirap.
Ang karamihan sa mundo, para sa karamihan ng kasaysayan, ay hindi marunong bumasa o sumulat, kasama na ang Bibliya. Kaya, ang mga rebulto, mga bintanang may salamin at ang iba pang mga sining ay nagsasalaysay ng mga kwento tungkol sa Diyos, tungkol kay Jesus, sa Bibliya, at sa ating pananampalataya gamit ang mga larawan. Kaya, wala itong kinalaman sa pagsamba, at kung ang isang Katoliko ay sumasamba sa isang rebulto, sila ay lumalaban sa Diyos, sa Bibliya, at sa kanilang sariling pananampalatayang Katoliko, na kinokondena iyon.
Bagama’t ito ay may katuturan sa maraming di-Katoliko, mabilis namang itinuturo ng iba na ang mga Katoliko ay lumuluhod at nagpapatirapa sa harap ng mga rebulto. Nakikita nila ito bilang patunay ng pagsamba. Gayunpaman, habang ang mga Hindu ay sumasamba sa mga rebulto, ang kanilang debosyon ay nagpapakita na ito ay ibang-iba para sa mga Katoliko. Ang pagyuko, paghalik, at pagluhod ay walang kinalaman sa pagsamba.
Maraming mga anti-Katoliko ang nag-iisip na ang paghalik, pagluhod, at pagyuko ay mga gawa ng pagsamba. Maaari silang maging at maaaring ring hindi. Narito ang isang simpleng katotohanan. Hindi ibig sabihin na may humahalik sa isang bagay ay sinasamba na nila ito. Kung ang paghalik o pagyuko ay palaging isang gawa ng pagsamba, kung gayon ang mga lalaking humahalik sa kanilang mga asawa ay nagkakasala ng pagsamba sa kanila. Ang mga babaeng humahalik sa larawan ng kanilang asawang nasa malayo na isang militar ay nagkakasala ng huwad na pagsamba.
Nakikita ng karamihan sa mga tao ang pagkakaiba ng intensyon sa pagitan ng paghalik sa isang bagay para sambahin ito kumpara sa paghalik sa isang bagay dahil sa pagmamahal, paglalambing, at simbolikong pagkilos. Ang pagyuko, pagluhod, at paghalik ay maaaring gawin bilang mga gawa ng pagsamba o gawin lamang bilang mga tanda ng pagmamahal at paggalang o simbolikong pagpapahayag. Ang lahat ay nakasalalay sa intensyon at motibo ng puso.
Bakit ang mga Katoliko ay lumuluhod sa harap ng mga rebulto at hinahalikan ang mga ito?
Mayroon akong kaibigan noon sa kolehiyo, at namatay ang kanyang ama. Nang malaman namin, isang grupo ng mga lalaki ang tumakbo na parang baliw sa paligid ng paaralan, hinahanap ang kawawang batang ito upang sabihin sa kanya ang malungkot na balita. Ngunit, nalaman na niya. Nang sa wakas ay matagpuan namin siya, naroon sya sa isang kapilya, nagdarasal at umiiyak. Nakaupo siya sa sahig habang hawak ang larawan ng kanyang yumaong ama, at niyayakap niya ang larawan at hinahalikan ito habang umiiyak ng todo.
Hindi ko siya inakusahan na sinasamba ang larawan dahil lang sa hinahalikan at yakap niya ito. Ang larawang ito ay naging isang matingkad na alaala ng kanyang ama. Bukod dito, dahil hindi kayang yakapin at halikan ng batang ito ang kanyang tunay na ama, simboliko niyang niyayakap at hinahalikan ang kanyang larawan dahil sa pagmamahal. Wala itong kinalaman sa pagsamba sa isang imahen.
Pareho rin ito para sa mga Katoliko, at talagang ganoon lang kasimple. Sa Simbahang Katoliko, nabubuhay ka man ngayon, sa nakaraan, o sa hinaharap, kung ikaw ay bahagi ng katawan, kung gayon ikaw ay pamilya.
Ang mga rebulto ay simpleng paalala ng ating mga espirituwal na kapatid kay Kristo na nauna na sa atin. Tuwing nakikita natin ang isang rebulto, naaalala natin ang kanilang mga kwento at ang buhay kabanalan na kanilang tinahak. Pinapaalala nito sa atin ang kanilang kabutihang-asal at ang kanilang matinding pagsisikap na sundin si Kristo. Sila ay mga huwaran para sa atin.
Kaya, halimbawa, kung may humalik sa isang rebulto ni Hesus, naiintindihan ng mga Katoliko na hindi ito ang tunay na Hesus, Kung paanong ang batang iyon ay hindi makakahalik nang direkta sa kanyang ama at sa halip ay hinalikan ito bilang isang simbolo sa kanyang larawan, gayon din ang mga Katoliko ay hindi maaaring humalik kay Kristo nang personal at kaya humalik sa rebulto ni Hesus bilang isang simbolikong gawa ng pag-ibig.
Kaya muli, ang paghalik sa isang rebulto ay isang panlabas at simbolikong kilos lamang ng ating pagmamahal kay Kristo (o ibang kapatid sa ating pamilya, sa katawan ni Kristo). Ito ay parehong paraan ng paghalik natin sa mga larawan ng ating mga mahal sa buhay o marahil minsan ang paghipo sa larawan bilang isang paraan upang makaugnay sa kanila at sa kanilang memorya.
Sa katulad na paraan, hindi ibig sabihin na ang isang tao na lumuhod o yumukod sa isang bagay ay nangangahulugang sinasamba niya ito. Tulad ng paghalik, ito ay nakasalalay sa intensyon na nasa likod nito. Pinapayuhan tayo ng Bibliya na maghalikan sa isa’t isa ng banal na halik (2 Corinto 13:12). Kasabay nito, ipinagkanulo ni Hudas si Hesus sa pamamagitan ng isang halik. Kaya, ang intensyon ay pinakamahalaga.
Kung tutuusin, ang mga Protestante ay lumuluhod sa harap ng kanilang mga Bibliya o baka hinahalikan pa nila ang kanilang mga Bibliya. Hindi namin ipinapalagay na sinasamba nila ito. Hindi namin isinisigaw na dapat kay Kristo lamang sila humahalik at hindi sa isang libro. Sa halip, naiintindihan namin na ito ay isang simbolikong kilos ng pagmamahal at paggalang sa Kasulatan.
Kapag ang mga Katoliko ay lumuhod sa harap ng isang rebulto, ito ay isang postura ng panalangin sa Diyos. Kahit na hilingin natin sa isang santo na ipagdasal tayo kay Hesus para sa atin, ang pangunahing layunin at hangarin ng lahat ng ating mga panalangin ay ang Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo. Dahil Siya ang kahahantungan ng ating mga panalangin, ang ating pagluhod ay sa Kanya.
Sa Bibliya, ang pagyuko ay ginagamit para sa pagsamba o simpleng karangalan at respeto. Nakasalalay sa intensyon ang lahat. Sa Pahayag 22:8-9, sinasabi ng Kasulatan na sinamba ni Juan ang isang anghel sa pamamagitan ng pagyuko rito. Kaya’t tama lang na siya ay pinagsabihan dahil sa kanyang maling pagsamba
Kaibahan naman ito sa Josue 5:14, kung saan si Josue ay nagpatirapa sa kababaang-loob at paggalang sa isang anghel ngunit hindi niya ito sinamba. Hindi siya pinagsabihan. Samakatuwid, nakasalalay lahat ito sa layunin ng puso.
Gayundin, sa 2 Hari 4:37, isang babae ang yumuko sa harap ng propetang si Eliseo. “Ang babae’y nagpatirapa sa paanan ni Eliseo. Pagkatapos, kinuha ang kanyang anak at dinala sa kanyang silid.” Walang pagsamba na kasangkot. Sa 1 Hari 1:31, “Nagpatirapa si Batsheba sa harapan ng hari bilang paggalang. “Mabuhay ang Haring David magpakailanman,” sabi niya.” Gayundin naman, si David ay yumuko sa lupa sa harapan ni Bathsheba sa 1 Hari 2:19.
Maging si Jesus mismo ay nagpauna na sa Pahayag 3:9, “Narito, sinasabi ko ito sa kanila na kabahagi ng sinagoga ni Satanas, yaong mga nagsasabi na sila ay mga Judio at hindi naman. Subalit sila ay nagsinungaling. Narito, palalapitin ko sila upang magpatirapa sa iyong paanan. Ipaaalam ko sa kanila na iniibig kita.”
Ang mga taong ito ay hindi sumasamba sa mga Israelita sa pamamagitan ng ganitong gawa, kundi ito ay isang kilos ng pagpapakumbaba at paggalang. Maraming pang mga pagkakataon ng pagyuko bilang tanda ng paggalang sa Bibliya. (Kagaya nila Jacob and Esau, Haring David and Bathsheba, atbp.)
Hindi ito dapat ipagkamali sa pagsamba na para lamang sa Diyos o sa mga taong yumuyuko sa mga huwad na diyos dahil sa akala nila na ito ay mga diyos.
Ang mga Katoliko ay sumasamba sa Diyos (Hesus) lamang. Linggo-linggo sa ating Misa, nananalangin tayo kay Hesus at nagsasabi: “Sapagkat ikaw lamang ang banal. Ikaw lamang ang Panginoon. Ikaw lamang ang Kataas-taasang Hesukristo kasama ng Espiritu Santo at sa Kaluwalhatian ng Diyos Ama. Amen.”
Kaya, habang ang mga panlabas na gawa ng debosyon ay maaaring nakakalito para sa mga di-Katoliko na hindi nakakaunawa, ang mga Katoliko ay hindi sumasamba sa mga rebulto ngunit sumasamba lamang sa Diyos. Ang sinumang Katoliko na sumasamba, na maaaring sumamba sa mga rebulto ay lubhang nalilito at naliligaw at dapat na ituwid, bagaman hindi pa ako nakarinig ng ganoong bagay.
Pinararangalan ng mga Katoliko ang mga santo at mga banal na tao na nauna sa atin. Inaalala natin sila sa mga larawan at memorya. Sinasamba natin ang Diyos at pinararangalan sila.
Dalangin namin na nakatulong ito sa pagsagot sa iyong mga tanong o hindi pagkakaintindihan. Huwag mag-atubiling magpadala mensahe kung mayroon kayong mga katanungan. Makipag-ugnayan lamang sa amin sa itaas o bisitahin ang aming YouTube channel upang malaman pa ang mga bagay tungkol sa Katolisismo.